Tuesday, October 13, 2009

booster..

hahahhha dats da way aha aha i like it.. aha aha...

kahit tinatamad ako... nike-claim ko pa rin in Jesus name na matatapos ko ang term paper ko!!!!

nike-claim ko rin na ipagshoshopping ni Lord sila ate len sa ATC! naks... mura lang dun te... ^_^

LOOK ON THE BRIGHTER SIDE OF LIFE. ONDOY MADE THE PEOPLE REALIZED THAT THEIR HOUSES WERE SO DIRTY, SO MUST CLEAN IT UP! HE ALSO MADE THEM FAST AND BURN THEIR CALORIES. MADE THEM RESTORE RUINED HOUSES TO BUILD THEIR MUSCLES AND ABS TO HAVE PANDESAL IN THEIR TUMMIES AND LOOK MORE MACHO. DRENCHED THEIR CLOTHES IN MUD FOR THEY'RE TOO OLD FASHIONED NA! YOU'RE NOT IN ANYMORE! SHOPPIING NA!!! ANG SM HINDI NILILINIS KAYA DAPAT LANG LINISIN NGAYON. HMMM SI BF KELANGANG MAG INTERNALIZE AT UMAKSYON NG AYOS BILANG MMDA CHAIR NOH! AT SI GLORY ARAYAT, KELANGANG MATUTONG MAGDEVOTION PARA NAMAN MABASBASAN NG MABUTING ESPIRITO AT ILABAS NA ANG MGA INILAGAY NYA SA BULSA NA PONDO PARA SA PILIPINAS NATING MAHAL.

BILANG TAGAPAG-ALAGA NG MGA NILALANG NI PAPA JESUS, KAILANGAN NATING MAGBAGO TOWARDS OUR KALIKASAN AT MAGING MABAIT SA LUPANG TINITIRAHAN.

A.

m.

E.

n.

^_^

Sunday, October 4, 2009

appreciation counted!

we must learn how to appreciate those people who are always by our side no matter what the situation is.. ^_^ there's just some people who we are really overwhelmed by, but they're the ones who really do not stand with us..

sooner we take this appreciation-needed-people for granted with the thought at the back of our minds that they will never leave, but later on a great surprise will open our eyes and minds that those who were taken for granted are the ones who are truly needed. regrets now come in our way.

wag tayong magpabulag sa mga kabaitan ng mga mapagpanggap na tao.. hindi nararapat tawaging "kaibigan" ang isang tao kung hindi nito kayang pangatawanan ang ibig sabihin ng terminolohiyang ito.

mahirap mabulag sa pakitang-tao o kaipokritahan... sa huli ikaw na nagtiwala ang talo.

------------------------

bakit ba blog ang inuuna ko??!!! ung term paper ko di ko na naituloy-tuloy... pambihira..

Thursday, September 10, 2009

2nd timer freshman...

tskktskk.. eto na.. nagstart na kahapon ang pagiging 2nd timer freshman ko in college.. ayun, orientation..sangkatutak na english ang napala ko.. buti hindi dinugo ang ilong ko..^_^

very informative ang mga sessions..kayalang may kapasawayan na namang nangyari saken na hindi ko naman mapigilan... mahirap talaga pag antok na antok ka.. ^_^ u cant help it.. kaya naman todo iglip ako sa isang session... nakakahiya, nasa may unahan pa man din ako... myjuice! ^_^ sa sobrang gusto ng staff na magkaron ng malawak na idea ang mga students, hindi nila kami tinigilan ng sessions until 2pm.. so nagstart ng 9am-2pm wlang break, at lakad pa ng lakad.. so what do u expect.. syempre........GUTOM!!! T_T well, wala naman kaming magawa.. kaya gow nalang.. after 2pm meron pang mga optional sessions na pwedeng attendan ng mga students.. nagregister ako a week before the orientation kayalang dahil im starving to death na eh hindi ko na inattendan ang susunod ko dapat na sessions, instead, umuwiiiiiiiiiii na ako.. haru josko...

2nd day ng orientation... wala pa rin akong nakikitang kakilala ko.. da heck! sino nga ba naman ang makikita ko.. isipin ko mang magparisyon sila kwini, pola, lysa, kat, at iba ko pang tropa eh hindi naman sila magaaparisyon! ^_^ halusinasyon na ito.. medyo sinuwerte naman ng makita ko ung kasama ko sa mcdo.. aba at nakita din nya ko.. fairness strike 1 ako dun.. at at last, gumana na ung kadaldalan ko dahil may nadaldal akong puti.. medyo barubal nga lang ang usapan dahil bulol bulol na naman ako.. pero at least diba??!!! ay nakita ko din ang papable ni riang si richard.. pero di nya ko nakita.. keber! tuloy ang lakad papuntang bus stop at ako'y uuwi na.. ^_^

myjuice! ang schedule kong ginawa.. umiral ang ka-eng-engan.. medyo malayo layo lang naman ang pagitan ng unang bldg ng class ko sa susunod.. ung interval na 15min eh takbo ang gagawin ko makarating lang sa susunod kong class.. T___T bakit ganito ang tadhana! myjuice!!!! at pagkatapos kong tumakbo papunta sa 2nd class... ang 3rd class ko ay katabi naman ng unang bldg ng aking 1st class!!! ang saya saya!!! mauubusan ako ng lakas!!! T___T magiging ganap na green na yata ang dugo ko!!! T___T

kamusta naman ang campus? hmmmm sobrang nakakamangha ang campus ng UM... malaki at kumpleto... all in one ika-nga... medyo luma nga lang ung ibang building pero astigin.. dito lang ako nakakita ng school na may tunnel.. ^_^ hehe ideal para sa winter..ayos! sana lang mafigure out ko kung papano gamitin ang tunnel papunta sa mga classrooms ko... classrooms! ASTIG! para akong nasa session hall ng batasan sa bio class ko! LOL kuhaan ko ng pix pag nagkaron ng chance.. SANA! sa schedule kong 15 min lang ang interval ng clase.. T_T ... cafeteria.. infairness san ka man mapadpad may makakakainan ka.. eto pa, 3 ang Tim Hortons sa loob ng school plus may isang Starbucks at may dalawa pa akong nakitang cafe... aaaaaayyyyyoooosssss... at eto pa ang isang nakakagulat.. san ka nakakita ng school na may salon sa loob? ^_^ may for men, at may for women... meron ding tindahan ng eyeglasses..at syempre may bookstore.. na parang national bookstore na.. speaking of books, hindi lang isa ang library ng school.. at ung pinakamalaking library ay 3 floor ang sakop.. T_______T nakakalula pag dumaan sa aisle ng shelves.. parang iniisip kong magwikipedia nalang kung mahihilo naman ako sa kakahanap ng hinahanap ko... ^_^ pero may isang section dun sa third floor na bet na bet kong usisain.. ung archives... sabi nung guide namin, ung mga books daw dun ay almost 400 yrs old na.. at ang malimit lang na nakakaaccess ng lugar na un eh ung mga nagmamasters na.. eeeeeeee ^_^ hindi ko pa nalilibot ung sa west part ng campus dahil wala naman akong gagawin dun.. pero ang nakita ko sa map, may malaking stadium, at ung west part ay almost agriculture studies ang umooccupy.. hmmm

eeeeeeeeeee i wonder kung anu kakahinatnan ko bukas.. dahil ang bukas ay technically ang simula ng clase.. T____T kelangan ko ata ng bitamina ni kokey..T____T

wel... go go goooooooooow!

Sunday, September 6, 2009

i want nobody, nobody but you ^_^

hindi ko magets kung anu ba ang nagtutulak sakin para magpost na naman ng kadramahan ko dito sa multiply.. aba malay ko ba basta eto bigla nalang nagpipipindot tong daliri ko sa keyboard ng hp pavilion dv3 ko... naks sinabi talaga eh noh.. kayabangan! taena! hindi naman sa ganun.. im proud of myself lang kasi nagkaron ako nito through my pawis at dugo... veins and arteries ng puso ko at sa tulong ng aking mga mus-cles... wahahahah.. imagine, ang almost P45K worth na laptop eh nabili ko??!!! hindi bat ang sarap isipin... kahit di ko naman magagamit lahat ng features eh masaya pa rin ako kahit mahal sya.. eh para naman sakin to eh bakit ba??!!! walang pakielamanan.. ^_^ pero minsan naiisip ko sana toshiba nalang binili ko.. ung tipong $500 lang magagasta ko.. at least, pede kong ibalibag.. hahahah eh eto hindi ko magawa.. ang mahal naman para sirain ko.. LOL anyway bat ba sa laptop ko napunta ang usapan... hmmmm

september na.. 11 months na ko dito sa winnipeg.. magiisang taon na..ber month na, ibig sabihin magwiwinter na naman...tutulo na naman sipon ko habang nagaantay ng bus.. lol.. magbberdey na rin ako! ilang days nalang.. twenteen na ko.. hanep.. nakadalawang dekada na ko.. achievement pare! haha...salamat kay pj buhay pa ko..^_^

ang dami na rin palang nangyari sakin ano.. simula nung october last year nagpart time ako.. kumita ng kaunti... itinabi ang ilan hanggang sa makausad ng ipon.. march nagwork ako sa convinience store na hindi naman talaga convinient.. dahil pagkakalabas ko after shift, nakakatakot umuwi dahil maraming lasing sa kanto... nakupo! buti nalang natanggap din ako sa mcdo... gumaan gaan feeling ko kahit malayo ung location, keri lang basta makapagmcdo lang.. half d price ang meal..ayos.. may poging kasama, may mabait na manager pa... ayos na sana kayalang may epal.. palagi nalang nangbubully...layasan ko nga sila! beeeeehhh, lungkot lunkutan naman si matandang manager.. bet na bet nya ang lola nyo dahil masipag daw ako, kaya naman lagi akong may free meal hehe.. nakakamiss din un si tanda.. june, napalipat na ko sa malapit na location dito samin... first day, ayos ayos naman.. ok ang lahat.. pagdating ng 3rd day, eto na... sumambulat sakin ang sermon ng medyo pangit na manager.. haru josko.. sinermonan ako na ako raw ay arogante at mataas ang ego! HOLLLLLLYYYY *H*T... naiyak nalang ako ng naiyak... hindi ko man gusto pero ayaw akong tigilan ng luha ko.. my gulay... buti nalang nagpabola ako sa mga kasama ko.. ayos naman,.. so ngayon bff na kami ng medyo pangit kong manager.. ok na rin kesa naman walang libangan..

wala akong masamang masasabi sa mga kasama ko sa bagong location ko ng mcdo ngayon.. pwera lang sa sila'y ubod ng chi-chismosang mga tao... i swear! lahat nalang, hindi pwedeng walang kwento... nagpapasalamat naman ako sa kanila dahil maganda ang pakikisama nila sakin.. sa amin.. sa lahat.. pinapakain nila ko ng mga baon nila.. ayos naman, wala akong reklamo dahil masarap ang mga luto nila infairness.. kako, may mga tao rin palang mas masarap magluto kesa sa luto ng nanay ko.. haha.. ipakilala ko nga sa inyo ung tatlong naging malapit sakin.. eto..

nakilala ko si ate mylene, ang akala ko'y babaeng boyish lang pero tibo pala talaga.. mabait sya.. mommy ni neighbor..(mommy mommyhan lang naman ^_^ ) ok si ate mylene sakin.. sya ang nagkumbinsi sa akin na wag ng bumalik sa dati kong location ng mcdo dahil lang sa sinermonan ako ng manager naming medyo pangit.. ^_^ naalala ko nman ang sabi namin ni bessiful ko noon,.. ayaw kasi namin parehas sa tibo.. parehas kaming nandidiri lalo na sa tibong bf nung isa namin barkada.. ngayon kinain ko ung mga opinyon namin noon ni bessiful, dahil, depende din naman pala sa tibo un.. tulad ni ate mylene.. mabait naman sya saka kasi iba na rin ung point of view nya dahil medyo may edad na sya.. unlike nung mga tibong kasing age lang namin...

next! si neighbor... si kate na ang tunay na pangalan ay kate-marie pero tinatawag kong katherine... LOL adik eh noh.. wala lang... kasi diba common un, pag katherine/catherine ang pangalan mo, ang nick mo eh kate.. eh ung kanya naibahan lang ako.. kaya ayun... basta intindihin nyo nalang ung sinasabi ko ah.!!! hehe mataray si neighbor.. ang lintik tumingin.. kala mo aawayin ka.. pero pag nakilala mo pala, may saltik din.. ngayon close na kami.. as in close.. kasi paglabas ko ng pinto ng apartment.. pinto na ng apartment nila ang kasunod.. o diba.. sabi ko sayo eh close kami.. we're neighbors! pati ung car nila, at car ni ate neighbors na rin sa parking lot.. o diba.. close talaga.. heheeh galante si kate.. wala akong masabi sa kanya.. mabait din saka on d go lagi.. nasasarapan akong kasama un eh.. except lang pag hindi mo sya binigyan ng topic na mapaguusapan eh wala na talaga kayong topic.. my gulay... tahimik lang si kate, pero pag bumanat, ayoko na.. talo na ko.. lol... may sariling point of view sa buhay.. astigin.

si pareng ria. eto naman ang ubod ng kulet kong pare sa mcdo.. pakners in crime ang masasabi ko samin.. wala kaming ginagawa kundi magtawanan sa counter ng mcdo.. nakakahiya man pero ganun talaga kami... sya ang mabait kong pakner sa till, sya nagguguide kapag tanga-tangahan na ko sa sa front.. astig to si pare ko kasi rational sya magisip.. matalinong bata pero bata pa...alam nyo un..may iba syang pananaw sa buhay.. easy easy lang sya lagi.. happy go lucky.. kung minsan pag sasabihan ko, di naman nya papakinggan.. lol.. tungkol halimbawa sa pag-gastos.. hindi iniisip kung kailangan ba nya ung bibilhin nya o hindi... pag tumanda-tanda ng onti to matututo na rin yan ng mas maraming bagay.. mas makakapagisip sya kung anu ang tama at mali.. :)

dagdagan ko ah.. si ate cherry.. si ate che ang mabait na manager namin.. pag andun un sa mcdo feeling ko ok lahat.. kasi cool lang sya.. except, lagi nalang nagmumura.. LOL teka, lahat naman ata sila laging nagmumura.. kaya ako nahawa na rin.. hahahah bait bait ni ate che.. cool na cool lang talaga sya un lang masasabi ko.. pero kahit ganun sya... lagi syang may issue... LOL lagi nalang syang pinaguusapan.. ay ewan.. mga echusera nga kasi ung mga taga mcdo.. haaaaayyyy

thankful ako at nakilala ko silang lahat...nagkaron ako ng mga bagong kaibigan.. pero pero pero, minsan ayoko rin ng iba nilang ugali... well, sabi nga each and everyone of us has different flaws, so kung gusto mong maging kaibigan ang isang tao, u MUST accept his or her positive AND negative side...

ayan ang buhay mcdo ko..

o eto naman ang suite 33 and 32 life ko.. wet kum bet talaga.. what da heeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeell mare at pare... sobrang gulo... lingo lingo nalang may drama at teleserye dito samin.. lagi nalang may bangayan.. kung kelan kaming buong pamilya ay nagkasama-sama, saka kami gumulo.. katulad nalang ngayon.. at this very moment.. naririndi ang tenga ko sa bunganga ng nanay ko.. talak na naman ng talak.. galit na naman sa tatay kong ubod ng kupad at walang kusang asawa na magbigay ng pera sa asawa.. ^_^ hayyyyyyyyy buhay... parang mga bata kung magaway.. ang topic naman palagi... P.E.R.A. bow.. buti nalang nakalampas na ako sa drama ng nanay ko... na palagi nalang galit sakin dahil hindi ko sya pinapansin.. aber naman! ikaw ba naman makarinig ng talak sa umaga.. tanghali at gabi.. may gana ka pa ba?! sinabihan pa akong tikal, dahil hindi daw ako naguuwi ng pasalubong galing sa mcdo, kahit sweldo man lang daw... arrrrruuuu susme! kung alam lang nya na simula ng magtrabaho ako sa mcdo, ang kinakain ko lang ay isang sandwich sa break ko.. pag off na ko, hindi ako bumibili ng pagkain dahil kaunti lang ang budget ko sa sarili ko dahil magaaral ako sa school ngayon..nagiipon ako... ang binabawas ko lang sa sweldo ko from d start eh ung pambili ko ng load ng telepono ko... pambili ko ng bus ticket.. at $10 budget ko sa pagkain ko for two weeks... ^_^ o diba.. $5 per week.. equals to $1 per day! ^_^ $0.78 cents lang naman ang sandwich ko sa mcdo kaya pede na un.. so imagine?! tikal nga ako pati sa sarili ko.. ^_^ tapos kung anu anu sasabihin sakin ng nanay ko??!!! susme! gaganahan ka pa ba??!!! pambihira! kaya ngayon kahit anong sabihin nya sakin, manhid na ko.. di na ko kumikibo kahit ano.. basta ako, magaaral ako ng walang hiningi na pang aral ni sinkong butas sa kanila kaya pede silang makunsensya.. dahil ang responsibilidad nila, hindi ko na i-dinemand. ^_^

nahihirapan ako, OO. truelala! pero wala akong magagawa dahil ito ang buhay ko..tinatanggap ko naman eh, dahil alam kong bigay to ni Pj, sabi nga wala naman syang ibibgay na masama sa kanyang mga chikiting, lahat mabubuti kaya always look on d brighter side of life lang.. diba?! ^_^

bente na ko. pero... wala pa rin akong wisdom teeth... LOL tama bang isingit to dito??!!! haha, ito lang naman ang wish ko sa berdey ko eh.. wisdom tooth.. kahit tooth lang, wag na teeth... pede na un.. basta meron.. ^^, ewan ko ba... parang incomplete kasi eh.. feeling ko naman ok na ko.. matured enough, pero isip bata pa rin... ay ayun na siguro ung sagot sa tanong ko.. its just that, i only think of it, but im never doing it.. chenesss wag na nga magenglish.. lalong gumugulo eh.. ^_^

sa isang taon ko na dito, hindi na ako nakakaramdam masyado ng pagkahomesick.. ok na kasi may mga kaibigan na ko.. except lang pag nga nakakausap ko ang ate len kong maganda.. bumabalik ang aking pagka-miss sa bayang sinilangan.. sana kasi naging mayaman nalang ang pinas... sana kasi di na nauso ung kurakot para ang mga resources ng bansa ay nagagamit ng bansa... hindi ng bulsa.. ^_^ may pagasa pa ba ang pinas?! un lang naman ang tanong... may tao pa bang mamumuno na hindi kukupit sa kaban ng bayan?! pag nangyari un babalik na ko ng pinas...

ang haba naman neto nakakatamad basahin... pak-chet!:P

Tuesday, March 24, 2009

spring rolls

may mga bagay na ginagawa mo kasi may dahilan, meron din naman wala naman talagang dahilan pero adik ka lang talaga kaya mo ginagawa...

may mga bagay na sinasabi mo kasi gusto mong sabihin, meron din naman na sinasabi mo pero ayaw mo naman talagang sabihin, nagpapakagaga ka lang talaga kaya mo sinasabi...

may mga bagay kang tinitingnan kasi gusto mong makita, meron din namang ayaw mong makita pero tinitingnan mo pa rin, magulo ka lang talaga, in denial ka pa...

may mga kaibigan kang kaibigan ka din sa kanila, pero may mga kaibigan kang hindi ka kaibigan sa kanila, may nagkokonek lang sa inyo kaya kaibigan ka nya, hindi sya pinyoko in short...

may mga kaibigan kang pinagdadaldalan mo kasi gusto mong dumaldal sa kanya, meron ka rin namang kaibigang dinadaldalan ka kasi gusto nyang dumaldal sayo...wala ka ng magagawa dun kundi makipagdaldalan sa kanya...

may mga kaibigan kang demanding kahit di halata, meron ka rin namang pagkademanding sa kaibigan mo na kahit di mo ipahalata eh, halata pa rin...kaya sorry ka nalang, di ka magaling makipagtaguan nung bata ka pa... behhh

me mga kapamilya kang pampam, kaya ikaw palagi ang napapam-paman, meron ka rin namang pagkapam-pam, kayalang ayaw mong amining pampam ka...o tamo ngumunguso ka na...behhh

me mga kapamilya kang macheeze, lahat ng bagay at tao chini-CHEEZE to the MAX, ayaw mo nun pero meron ka rin namang pagkacheeze..kaw talaga..loko mo ko.. ^_^

me mga kapamilya kang mabait sa mga tiger, pero kahit anung gawin mo, hindi ka makababa sa kulungan ng tiger sa manila zoo kasi ang lalim nung kulungan nila diba? dali punta ka manila zoo makikita mo dun...ung katapat ata nun ung bagong renovate na part ng manila zoo...ung me maliit na kabayong puti.. basta dun punta ka nalang... ^_^

may... may... may malaki ka ng eyebags ayaw mo pang matulog...

ti... ti... tinitighawat ka na puyat ka pa rin ng puyat...

tu... tu... tumataba ka na kain ka pa rin ng kain...

pa... pa... pagod ka na ayaw mo pa magpahinga...

in... in... in short pasaway ka talaga...

^_^ good night! ^_^

Thursday, January 22, 2009

ang FOGI ko ngayong FOGGY day... ^____^

hay nako kembot talaga ung instructor ko sa writing class... binibigyan ako ng maiisip na kalokohan.. kasi naman tong araw na'to punung puno ng fog ang buong downtown, o buong city ata.. tas tong instructor namin, ang bungad samin eh, "what's new today?" eh di sabi namin, its foggy. at ang sagot nya, "oh yeah it's FO-gi" hay sus. pati ba naman itong word na ito O na O ang bigkas! hekkkkhekkkk kasi un ang pronounce nya sa word na 'body' eh BO-di, tas ngayon FO-gi naman. sabi ko tuloy, FO-gi? AmFOgi ko... ^____^

well, maaassociate ko lang naman ang pagkaFOgi ko ngayong gabi dahil ako'y napansin ng John Lloyd Cruz ng buhay ko... ^___________________________^ hhhhhaaayyyyysss we had a precious moment, beside sa umagang amFogi ko rin dahil ako'y nihatid na naman ni Piolo... amFOgi FOgi ko naman talaga.. ^_______^

bakit ba ang saya saya ko... lollllllzzzzzzzzzzzzz siguro dahil bawi bawi ang Lunes kong malungkot, dahil kay James ko na hindi ko nakita ng 8 days.. aba soshal bilang ang araw.... ^_________^

syempre back to work na naman kasi kaya nakita ko na naman sya.. at di naman matatawaran ang araw na 'to dahil kay Fay >>> ang mukhang matrona kong katabi sa call centre, na bawat hung up kapag walang respondent na makuha eh daldal ng daldal. lahat ng katabi nya ay dinadaldal nya, at take note, pati ung nasa likod namin kadaldalan nya rin... hahahah nakakatakot lang at baka mapagsabihan kami ng sup at pauwin dahil sa tawa kami ng tawa sa kanya.... ang kulit kulit kasi naman ng matandang un...lahat nalang may comment. pati ung pagpapapunta sa kanya ng 5pm kinukwenstiyon. bakit daw kami 4:30pm pinapunta, bakit daw sya 5??!!! aba malay ko! :p haaaayyyy napapadaldal tuloy ako habang naghahagilap ng masusurvey eh... buti nalang napipigilan ko pag naririnig ko naman si James.. eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee ^_______________^

syempre balik na naman ang pinakamakembot na surveyor na si Dominique. hayyyyssss tuliling na naman ang tenga ko sa lakas ng boses nyang nangingibabaw sa buong kwarto ng call centre. hayyyyssss buti nalang at pinalipat sya ng pwesto... eeeee!

hays. saturday will be a big day. Lakwatsa na naman pagkatapos ng BS at final writing homework kela pastor! at balita ko magbibilliards kami.. sus di naman ako marunong nun, ishu-shoot ko nalang mismo ung ball sa butas.. ^___^ adik! at syempre libre na naman yon... yeyyyyy!!!!

^^,

Tuesday, January 20, 2009

ganun pala un...

talaga palang pag lumilipas ang panahon, gumaganda ang tao... :)) may koneksyon pa rin ito sa tinatanong ko kay Ate Len ko...

gosh.

enough.

tired. (maging maganda) tawa! ha! ha! ha!

hammppppp.